[ HoMe ] [ aBouT_Me ] [ aRCHiVe ] [ STuFFS ]
Friday, September 3, 2004
i WaNt A faMoUs FaCe....
Mood:  don't ask
Now Playing: fuck it (dont want you back): eamon
"i want a famous face" is a show on mtv about people who want to look like or resemble their favorite celebrity...

i watch this show last nigth a 3 hour marathon,episode 1 about mike and matt kambal cla gusto nila maging kamukha si "brad pitt"... they get rhinoplasty, chin implants, and porcelain veneers and cheek implants (ouch!!)...

episode 2 is about mia a britney spears impersonator, medyo kahawig nya si britney ,she want a bigger breast like britney spears...

episode 3 about a plus size model who weight 280 lbs before and lost 140 lbs, kung meron face lift meron din palang body lift... she wanted a tummy tuck,a liposuction and breast implants to get a body like kate winslet...

episode 4 about sha who want to be a next pamela anderson, she want a breast implants a double d, a lip implant and a lipo under her chin...

episode 5 about jessica a transsexual, wants to look like j.lo and hopes to become a runaway model, (meron bang baklang runaway model?) she/he wanted a to get breast implants, cheek implants, an eyebrow lift, her eyebrow bone shaved,(paano kaya yun nagawa?)and her hairline lowered,di ko alam na pede mo palang ibaba ang noo mo, good news ito para sa malalaking noo...

episode 6 an elvis impersonator he wanted to be more look like elvis presley so he decided to get a chin implant, lip injections and a peel.... after he recovered from surgery he pose as a model for playgirl magazine...

a lot of people today becoming insecure about how they look.... kaya marami ang nagpapa-plastic surgery ngayon, but hindi lahat ay succesful ang operation marami ding palpak at marami din na hindi kontento sa surgery nila at lalo tuloy naging panget katulad nalang ni michael jackson.....

para sa mga insecure how they look just admit it and live with it sabi nga ni avril lavigne sa intro ng kanta niyang complicated "uhh ha... life's like this... uhh haa.. that's the way it is" lol.. and thank god for giving you a chance to live in this cruel world..... ciao !!!!


pustid bay annabanana at 11:30 PM PDT | Post Comment | Permalink
Updated: Saturday, September 4, 2004 3:38 AM PDT
Wednesday, September 1, 2004

Mood:  not sure
Now Playing: angel: jessica simpson

day off ko ngayon sa trabaho, paglabas sa school dumaan muna ako sa library tapos diretso ako uwi, pag-uwi kumain, tapos nanood ng tv,pinanonood ko yung "VH1 goes inside: fear factor" pinapakita lang yun mga behind the scenes mga interview with the directors and contestants.... pinakita din yung ibang mga stunts, ang di ko makalimutan hanggang ngayon eh medyo nasusuka pa ako yung pina-inom sila ng "fear factor shake" made with worms,maggots and cockcroaches nilagay nila sa blender tapos kailangan inumin within 1 minute.... tapos meron din wine na gawa naman sa bulate,pizza na ang mga topping eh mga bulate, maggots at kung ano ano pa...... medyo ma-suka suka pa ako hanggang ngayon...

di ko pala namalayan nakatulog pala ako ng magising ako 8:00 na, bangon ako agad.... akala ko umaga na... shit late na ako sa school sabi ko, sumilip ako sa bintana 8:00 am na medyo madilim pa rin sabi ko tapos naalala ko 8:00 pala ng gabi hindi umaga,

lumabas ako ng kuwarto wlang tao, medyo natakot ako wala kasing ilaw na sindi, biglang nag-ring yung phone sobrang gulat ko napasigaw ako.... dinampot ko yung phone sabay tingin sa caller id... unknown number lalo akong natakot, naalala ko yung movie na "scream", sasagutin ko ba o hindi? tanong ko sa sarili ko.... huminto mag-ring, papunta ako sa banyo ng nag-ring uli, this time sinagot ko na "hello" medyo nginig ang boses ko "hey anna what's wrong are u okay? bakit di mo sinasagot yung phone? auntie ko pala ang nasa phone... sabi ko wala nasa banyo ako eh... lumabas kami ng uncle mo at ng mga bata ano gusto mong kaiinin? sabi ng auntie ko, sabi ko kahit ano... basta pagkain....
o sige pauwi na kami... ok bye..

totoo pala pag-mahilig kang uminom ng kape medyo nerbiyosa ka, kaya medyo limit muna ako sa pag-inom ng kape sa ngayon.....


pustid bay annabanana at 12:01 AM PDT | Post Comment | Permalink
Updated: Wednesday, September 1, 2004 11:42 PM PDT
Sunday, August 29, 2004
WoRsT wEeK eVeR....
Mood:  sad
Now Playing: lets get retarted (started): BEP

its been a week since my last post..... super bz ako kaya wala akong taym na mag-post...

anyway nag-start na school ko last monday kaya medyo bz si ako,eto mga courses na pinapasukan ko....

english 2307 literature/creative writing
math 2413 calculus I
biology 2402 human anatomy & physiology
psycology 2301 general psycology

...... pinapasukan ko lang eto every mwf

eto naman pinapasukan ko every t.th.

speech 1311 fundamentals of speech
philosopy 2306 ethics

ang pasok ko sa school ay 9:00 am then lumalabas ako ng 1:00 pm, tapos papasok ako sa trabaho then lalabas ako ng 8:00 pm kaya pag-uwi ko pagod na ako gagawin ko pa mga assignments ko... na mi-miss ko tuloy highschool days ko mas masaya at wala kang masyadong assignments and studies na dapat gawin.. ngayon first week palang ng klase eh andami ng assignments and research na dapat gawin waaaaaaa..... mamumurit na ako, then sa trabaho pa andaming customer na sarap patayin nakaka-stress out tuloy....

gusto kong makita yung "the apl song music video" ng bep di ko pa kac nakita lagi naman akong nanonood ng mtv hindi naman pinapakita... trina-try kong download sa limewire and kazza wla naman, sa mtv and mtv asia website wala naman... so kung cno mang may alam kung saan ko pedeng makita pls. tell me... thank you in advance....

speaking of mtv, bukas na ang mtv music awards live from miami, florida.... sana manalo si xtina (go gurl) she's nominated for 3 awards for best female video, best cinematography and viewers choice awards...and i hope manalo din ang bep, nominated cla for 3 awards best hip-hop,dance and cheography video for more details just log in to mtv.com

binago ko nanaman template ko and its still boring and ugly, wala kac akong alam pagdating sa mga html codes na yan....i'm still learning....


pustid bay annabanana at 12:47 AM PDT | Post Comment | Permalink
Updated: Sunday, August 29, 2004 1:16 AM PDT
Saturday, August 21, 2004

Mood:  party time!
sahod ko today that's means shopping day and party time, medyo malaki-laki sahod ko ngayon dahil marami akong overtime....

paglabas sa trabaho pumunta kami ni lea sa bangko, para i-cash namin check namin, sinundo kami ng boyfriend nya si francis, si francis ay filipino totoo niyang pangalan ay francisco nagagalit ang mokong pag tinatawag namin syang francisco o isko,

syempre pagkatapos dumaan na kami ng mall, ang daming sale ngayon matatapos na kc summer eh... pumunta kami sa abercrombie store at gap ang dami ding sale bumili ako ng dalawang tops at isang bottoms, yun lang binili ko di muna ako masyadong gagastos ngayon medyo nag-iipon tayo eh....balak ko kac mag vacation sa pinas miss ko na a ng pinas waaaaaa.....

alam ko na kaya minsan hindi ako maka-tulog pag-gabi, na-hi-high ako sa caffeine sa trabaho, hindi ako dati umiinom ng kape nakaka-dilaw daw kac ng ngipin ang kape at softdrinks.... pero na-addict ako ng magtrabaho ako sa "coffehaus"....

we're going out tonigth with lea, bianca at dalawang girlfriends ni bianca.... pupunta lang kami sa non-alcoholic bars di pa kac pedeng pumasok si bianca she's only 17, you have to be 18 to get inside sa mga alcoholic bars at saka 21 yrs old ka para legal na uminom ng alcoholic drinks dito... naalala ko tuloy nung nasa pinas pa ako mga barkada ko mga 14 at 15 palang umiinom na kaya asensado ang pinas lol..., pero ako i don't drink amoy palang ng alak makes me throw up nah....bumabaliktad sikmura ko.....


pustid bay annabanana at 11:50 PM PDT | Post Comment | Permalink
Updated: Sunday, August 29, 2004 5:33 AM PDT
Wednesday, August 18, 2004

Mood:  hungry

lately parang wala ako sa sarili ko....kanina papasok sa trabaho nakalimutan ko yung purse ko sa kotse ng auntie ko nandoon name tag ko at wallet ko,sa trabaho nakalimutan kong mag clock-in tapos nakakalimutan kong ibigay yung sukli ng ibang customer,

tapos may nakaaway pa akong customer i dont care kong customer is always rigth... not all the time...ilang beses kong inulit yung order niya sabi nya tama tapos nagreklamo ba naman sa manager sabi mali mali daw order nya, medyo maiinit na ulo ko medyo bz kac kami, pa point point pa sya ng daliri nya sa akin sa inis ko sinagot ko yung customer bahala na kong ma fired ako sabi ko sabi ko sa sarili ko... eto sabi ko sa customer...

"is english is your second language? i repeat your order twice and you said its rigth, now your complaining"

tapos sabi nya "you dont have to talk to me like that i'm a customer"

sasagot pa sana ako pinigil na ako ng manager namin, mabuti hindi ako na fired warning lang inabot ko, kaibigan kac ng uncle ko yung manager sa coffehaus na yun kaya ligtas ako....

paguwi ko hiniram ko yung kotse ng uncle ko pupunta ako sa university bookstore bibilhin ko yung mga books na kakailanganin ko sa school mag start na ako sa monday, dumaan na rin ako sa mall nag window shopping lang para sa sahod ko sa saturday alam ko na bibilhin ko...


pustid bay annabanana at 11:15 PM PDT | Post Comment | Permalink
Updated: Sunday, August 29, 2004 5:35 AM PDT

Newer | Latest | Older